ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
AHA-ng Buhay sa Farm
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
AHA!
AHA-ng Buhay sa Farm
Airing date: April 14, 2013, 9:00 AM, Sunday
Ngayong Linggo sa aming tuloy-tuloy na summer field trip dito sa AHA!, mga sari-saring adventure sa farm naman ang ating mararanasan!

Samahan si ka-AHAng Joyce Ching na maki-up close and personal sa iba-ibang hayop na nakakasalamuha sa farm. Maging ang mga bagong teknolohiya na ginagamit sa pag-aalaga sa kanila, bubusisiin!

Sa isang bee farm umeksena si Boobay para usyosohin ang buhay-bubuyog. Paano nga ba nakakagawa ng honey o pulot ang mga bubuyog? Bukod sa honey, anu-anong produkto pa kaya ang ibinibigay sa atin ng mga amazing bee? Kapag nakagat naman ng mga bee, alamin ang tamang pangontra sa kamandag nila.

Sisilipin naman ni ka-AHAng Maey B. ang isang farm sa tubigan— sa isang mangrove o bakawan kung saan sandamakmak daw ang mga alimango. Paano nga ba nasasabi kung ang alimango ay babae, lalaki o bakla? Pati mga hipon, di pinalampas!
Sisisid muli sa dagat si ka-AHAng Mara Lopez, ngayon naman ay sa gabi para makita at makaulayaw ang mga glow-in-the dark pusit! Ano-ano pa nga ba ang mga unique na katangian ng mga pusit? Makahuli kaya si Mara?
Kasama si Drew Arellano sa iba’t ibang farm adventures sa AHA!, ngayong Linggo, 9am sa GMA.

More Videos
Most Popular