ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Imahe ng Birheng Maria sa Cebu City, lumuluha raw ng dugo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dinudumog ngayon ng ilang residente ang isang bahay sa Cebu City matapos mapabalita na lumuluha umano ng dugo ang isang istatwa ng Birheng Maria.   Lunes ng gabi nang madiskubre raw ang pagluha ng dugo ng imahe, ayon sa ulat ni Orchids Lapincao ng dzBB Cebu nitong Miyerkules.   Sinabi umano ni Jomar Rayla, anak nina Victor at Ester Rayla, na isang mata lang ng istatwa ang lumuha ng dugo nang makita niya ito noong Lunes ng gabi. Ngunit sa sumunod na araw (Martes), dalawang mata na umano ng imahe ang lumuluha ng dugo.   Ayon kay San Lorenzo Parish Priest Msgr. Antonio Medida, nakasasakop sa lugar kung saan nakatira ang mga Rayla, hihilingin niya na maimbestigahan ang pangyayari.   Naniniwala naman daw ang pamilya Rayla na may mensahe sa kanila ang pagluha ng dugo ng Birheng Maria.   Idinagdag sa ulat na plano ng pamilya na magtayo ng chapel sa kanilang bahay para sa mga bumibisita. -- FRJ, GMA News

Tags: virginmary