ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 katao patay, 15 iba pa sugatan sa aksidente sa kalsada sa Caramoan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawa ang nasawi at 15 iba pa ang nasugatan nang mahulog sa gilid ng kalsada ang isang trak sa Caramoan, Camarines Sur nitong Huwebes ng umaga. Sa impormasyon mula sa pulisya, sinabing naganap ang aksidente dakong 11:00 a.m. sa barangay Guijalo, Caramoan kung saan sangkot ang isang Kia truck. Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber ng trak na dahilan para mahulog ito sa gilid ng kalsada. Nasawi sa naturang aksidente sina Bobot Villegas, 42-anyos at si Elijhon Clarianes, 18-anyos, kapwa residente ng brgy. Colongcogong, Caramoan. Isinugod naman sa Caramoan Municipal Hospital ang 15 nasugatan sa aksidente para malapatan ng lunas. Bangkay malapit sa mall Samantala, iniimbestigahan naman ng mga pulisya ang kaso ng pagkamatay ng isang lalaki na nakita sa gilid ng seawall na malapit sa isang mall sa Legazpi City. Dakong 10:00 a.m. nang matuklasan ni Reynante Mijillano ang bangkay ng lalaki na kinilalang si Bambino Arevalo. Nakita ang bangkay ni Arevalo na may sugat sa noo. Pero ayon kay Nelson Arevalo, ama ng biktima, wala siyang alam na problema ng anak bagamat parati umano itong lasing. Wala ring daw siyang alam na kaaway ng anak kaya naniniwala siya na walang foul play sa sinapit ng biktima. -- Michael B. Biando/FRJ, GMA News