Silipin ang mundo ng isang pamilyang naghahanap-buhay sa ilalim ng lagusan
Inihahandog ng Front Row: LAGUSAN
Airing: April 13, 2013, 9:45 pm sa GMA News TV
Sa lagusan kung saan umaagos at dumadaloy ang tubig, umaasa ng kabuhayan ang pamilya ni Marcelino. Kasama ang ilang anak, sumusuot sila sa ilalim ng makipot at madilim na lagusan upang mangalakal. 
Dala ang isang batya, matiyaga nilang sinasala ang maiitim na burak para maghanap ng mga baryang inanod. Kapag sinuwerte, bakal at sirang cellphone ang kanilang nakukuha. 
Tila 'di alintana ang anumang peligro na maaring idulot ng pagtaas ng tubig sa ilalim. Kabisado na raw nila ang daloy ng tubig. Ang lahat ng ito ay kailangan daw nilang gawin para maitawid ang kanilang pangangailangan sa araw-araw.
Silipin ang kanilang mundo sa ilalim ng LAGUSAN sa Front Row, ngayong Sabado, April 13, 2013, 9:45pm sa GMA News TV.