ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mainit na panahon, hinihinalang nakasama sa kalusugan ng isang alkalde sa Sorsogon kaya namatay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Binawian ng buhay sa ospital nitong Huwebes ang re-electionist mayor ng Donsol, Sorsogon makaraang sumama ang pakiramdam matapos mangampanya noong Lunes. Kinilala ang nasawi na si incumbent Mayor Jerome Alcantara, 77-anyos. Binawian siya ng buhay dakong 11:25 a.m. nitong Huwebes sa Aquinas Hospital sa Legazpi City. Ayon sa  pinsan ng alkalde na si Eden Tolosa,  nangampanya umano ang alkalde noong Lunes sa barangay Sta. Cruz sa Donsol. Kinabukasan ay sumama na umano ang pakiramdam nito kaya dinala sa ospital kung saan siya binawian ng buhay nitong Huwebes. Pinapaniwalaan na nakasama sa kalusugan ng alkalde ang matinding init ng panahon at labis na pagod sa pangangampanya. Napag-alaman na diabetic at may pneumonia na ang alkalde na nasa kanya na sang huling termino. Hindi pa napag-uusapan ng pamilya kung sino ang ipapalit kay Tolosa para tumakbo sa nabakante nitong posisyon. -- Michael B. Biando/FRJ, GMA News