ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

1 pang suspek sa pagpatay kay vice mayor Martinez, sumuko


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Halos isang taon mula nang paslangin si Mambusao, Capiz  vice mayor Abel Martinez, isa pang suspek sa naturang pamamaslang ang sumuko sa pulisya nitong Huwebes.   Sumuko sa himpilan ng PNP-Region 6 Office si Sundy Danid, 28-anyos, na kasama sa mga ipinaaresto ng Mambusao Municipal Circuit Trial Court  Branch 21, kaugnay sa kaso ni Martinez. Si Martinez ay binaril at napatay ng mga suspek sa tapat ng kanilang bahay noong Mayo 2012. Unang nadakip ng mga pulis ang isang suspek noong nakaraang taon na si Roger Loredo, sa siyang nagturo sa awtoridad kung sino ang kaniyang mga kasama at umano'y mastermind sa krimen. Si Danid ang sinasabing drayber ng motorsiklo na sinakyan ng bumaril kay Martinez na kinilalang si Geger Francisco. Patuloy pang hinahanap si Francisco, at si Leodegario Labao, Jr., na itinuturong utak sa pagpatay kay Martinez. Tumatakbong alkalde sa bayan ng Mambusao si Labao, kalaban si Sharon Martinez Martilino, anak ng pinatay na bise alkalde. Tahimik ang kampo ni Labao tungkol sa ipinalabas na arrest warrant. Ayon kay Capiz Provincial director Domingo Cabillan, nasa kostodiya na ng awtoridad ang tatlo sa limang suspek na kasama sa sinilbihan ng warrant of arrest. Ang isa pang suspek na si S/Sgt. Rommel Pamotillo, nakabase sa Fort Bonifacio, ay nakadetine sa isang ospital sa Metro Manila. -- Cris Yu/FRJ, GMA News