ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

BIR, nagtalaga ng dagdag na tauhan para sa tax deadline


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng libu-libong Pilipino para magbayad ng buwis bago ang deadline sa Lunes, nagtalaga na ang Bureau of Internal Revenue ng karagdagang tauhan sa mga tanggapan nito para alalayan ang taxpayers. Ayon sa isang ulat sa radio dzBB nitong Linggo, inaasahang nasa 100,000 na transaksyon ang aasikasuhin ng BIR Region 7 office sa Quezon City sa darating na Lunes. Nagtalaga na ng ilang tauhan sa regional offices ang BIR para tumulong sa pag-compute ng mga bayarin ng taxpayers, dagdag ng ulat. Habang ang karamihan sa district offices ay magbubukas dakong 8 a.m., ang regional offices naman sa Quezon CIty ay magbubukas ng 6 a.m. at magsasara ng 5 p.m. Nauna nang hinikayat ng Philippine Information Agency ang mga Pilipinong magbabayad ng buwis na mag-sumite ng kanilang Income Tax Returns (ITRs) nang maaga para maiwasan ang pagpila ng matagal. Ayon din kay BIR Commissioner Kim Henares, hindi na magbibigay ng ekstensyon ang pamahalaan para sa pagbabayad ng buwis. Matapos ang Abril 15 na deadline, ang taxpayers na magfa-file ng ITRs ay papatawan na ng 20-porsyento na interest kada taon, at 25-porsyento na mula, at ang tinatawag na compromise fee. — LBG, GMA News