ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nonito Donaire: Pangako, babawi ako


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang kanyang pagkatalo laban kay Guillermo Rigondeaux ng Cuba sa kanilang super bantamweight unification na laban sa Radio City Music Hall sa New York nitong Linggo (oras sa Manila), nangako si Filipino boxing icon Nonito Donaire Jr. na sisikapin niyang bumawi at lumaban ng mas mabuti. Sa kanyang Twitter account, nagpasalamat ang The Filipino Flash sa Panginoon at sa kanyang "guardian angels" sa patuloy na pagprotekta sa kanya. Nagpasalamat din siya sa kanyang mga tagahanga sa suporta na ibinigay nila sa kanya. "I tried to give my all and push the fight but we'll be back. I'll come back and do better. For now, I congratulate Rigondeaux," aniya. Samantala, sa Malacañang, inihayag ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na nagtitiwala ang Palasyo na mababawi rin ito ni Donaire. "Hindi man niya nakamit ang kanyang pakay sa labang ito, naniniwala tayong muling makakabangon ang Boxing Writers Association of America's 2012 Fighter of the Year upang ipagpatuloy magsilbing inspirasyon sa kanyang milyon-milyon niyang mga kababayan at tagasuporta," ani Valte sa government-run dzRB radio. "'Di pa rin natitinag ang suporta natin para sa ating Filipino Flash," dagdag niya. — Amanda Fernandez  /LBG, GMA News