GMA News Online
Ulat Filipino
»
Iloilo

NBI, tinutuntun na ang nag-upload ng sex video sa Iloilo

April 14, 2013 3:59pm

Tinutunton na ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ang taong nasa likod ng pag-upload ng pinakabagong sex video sa social networking site na Facebook.

Ayon sa NBI Western Visayas, ang naturang video ay kinunan noong 2011 at nagpapakita sa isang teacher na nakikipagtalik sa isang estudyante sa loob ng isang silid.

Sa isang ulat sa The Daily Guardian sa Iloilo, sinabi na ngayon lamang pumasok sa kaso ang NBI dahil kamakailan lamang humingi ng tulong at nagsampa ng reklamo ang guro at estudyante.

Ayon kay NBI Western Visayas spokesman Atty. Ranilo Dequinto, sinabi ng mga tao sa video na kinunan lamang nila ang sarili nila para sa  “personal consumption and entertainment.”

Ayon pa sa ulat, maaaring kasuhan ang naglagay ng video sa Facebook para sa paglabag sa batas na nagbabawal sa photo at video voyeurism.

Dagdag ni Dequinto, sasampahan daw nila ng kaso ang salarin matapos dinggin ang panig nito.

Ayon sa inisyal na ulat, maaaring isang bakla raw ang nag-upload ng video na kaagad kumalat sa Internet bago ito tinanggal muli ilang oras ang makalipas.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang pagtatalik ay ginawa sa isang boardinghouse at ni-record sa pamamagitan ng isang cellphone camera. Ayon sa nagreklamo, nawala daw ang cellphone kung saan ni-record ang pagtatalik. — LBG, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement