ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Batang Ticab' at 'Niyurakang Anghel' sa Reporter's Notebook
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
REPORTER’S NOTEBOOK
Airing date: April 16, 2013
BATANG TICAB
Ulat ni Maki Pulido
Sa Isla ng Higantes sa Iloilo, compressor diving na ang kinagisnang paraan ng maraming residente upang makapanghuli ng lamang-dagat. Ilan sa mga nakilalang naming naninisid ng scallop o kung tawagin nila ay ticab, mga menor de edad. Kabilang sa kanila sina Judy, labing-anim na taong gulang at Bongbong, labing-apat na taong gulang. Maghapon nilang nilang sinisisid ang mahigit tatlumpung talampakang lalim ng karagatan gamit lang ang isang hose ng compressor. Nagsasalitan sila sa paggamit nito habang nasa ilalim ng tubig. Mapanganib man, kailangan raw nilang gawin ito upang makatulong sa kanilang pamilya. Pero mahirap man ang trabaho, kakarampot naman ang kitang napupunta sa kanila. Kung gaano kamahal sa merkado ang ticab, murang-mura namang binibili sa kanila ang produkto. Ano ang dapat gawin upang makaahon sa kahirapan ang mga gaya nina Judy at Bongbong?
NIYURAKANG ANGHEL
Ulat ni Jiggy Manicad
Ayon sa pag-aaral sa Center for Women’s Resources, pito sa sampung kaso ng rape sa Pilipinas ay kaso ng panggagahasa sa mga bata. Noong nakaraang buwan, halos magunaw ang mundo ng inang itatago namin sa pangalang Shiela nang matuklasan niyang ginahasa ng tatlong lalake ang kanyang dalawang taong gulang na anak na si Aya, hindi niya tunay na pangalan. Iniwan sa isang taniman si Aya ng mga suspek pero himalang nabuhay ang bata. Si Aya na ang itnuturing na pinakabatang rape victim sa bansa. Nahuli ang dalawa sa tatlong suspek pero patuloy pa ring pinaghahanap ang isa pa. Paano tinutugunan ng mga otoridad ang mga karumal-dumal na kasong gaya nito?
Huwag palalampasin ang REPORTER’S NOTEBOOK ngayong Martes, ika-16 ng Abril pagkatapos ng Saksi!

More Videos
Most Popular