GMA News Online
NewsTV
»
Pop Talk

Pop Talk

Mga summer pasyalan sa Tagaytay, susubukan ng 'Pop Talk'

April 15, 2013 7:12pm


POP TALK
TAGAYTAY SUMMER PASYALAN
Airing Date: APRIL 16, 2013

 
Painit pa nang painit ang summer bakasyon at siyempre, marami ang gustong magliwaliw sa malalamig na lugar kaya tampok sa Pop Talk ang mga affordable at masayang summer pasyalan para sa buong barkada o pamilya sa city of Tagaytay!
 


Tatlong summer pasyalan sa Tagaytay ang isasalang natin sa review kabilang ang Sky Fun Amusement Park kung nasaan ang pinakamataas raw na ferris wheel sa bansa!  Hot na hot din ang Taal Volcano Adventure at ang Residence Inn Resort para naman sa animal shows at cable car rides.



Makakasama ng host na si Tonipet Gaba sa pagrerebyu ang guest reviewers: ang ating expert na isang blogger mom mula pa noong 2009 sa mga blogs na Fashion by Sai at Mrs. Tiger, si Sai Montes; ang celebrity reviewer na child actress na si Elijah Alejo at ang kaniyang Mommy Cecil; at ang social media teen sensation na si Kimpoy Feliciano.  Huhusgahan nila ang tatlong summer pasyalan base sa criteria na ‘fun factor,’ ‘facilities and security’ at ‘value for money.’



Ang ‘Pop Talk’ ay isang weekly review and pop culture show kung saan pinag-uusapan kung sino, ano, at saan ang ‘uso,’ ‘hot’, at ‘trending’ ngayon.
 
Sama na sa aming pagrerebyu ngayong Martes sa ‘Pop Talk: Tagaytay Summer Pasyalan’,  April 16, 10 PM sa GMA NewsTV!



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus