ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
I JUANDER: Anu-anong mga yamang-tubig ang paboritong kainin ni Juan?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
I Juander
Airing Date: April 17, 2013
Ang bayan ni Juan, hindi lang daw dinarayo ng mga turista sa mga nag-gagandahang mga pasyalan kundi maging sa mga nakakatakam na laman-tiyan! At ang isa raw hindi dapat palagpasin ng mahilig sa foodtrip, ang ating mga yamang-tubig!

Sinadya ng ka-Juander nating si Susan Enriquez ang isa sa mga probinsyang sagana sa seafoods - ang Iloilo! Dito niya natikman ang mga ibinibida ng mga Ilonggo. Nakatikim na ba kayo ng kulay asul na alimasag o kasag?
Ang trip naman ng ka-Juander nating si Ian, ang sumisid at manghuli ng sea urchin! Samantalang ang mga taga-Gigantes island, ipinagmamalaki ang kanilang mga makukulay at masasarap na scallop!
Hindi na rin nakalagpas sa aming sikmura ang kanilang mga exotic seafood. Pasado kaya sa panlasa ninyo ang pugita at electric eel?!
Ang probinsya naman ng Pangasinan, 'di rin papahuli sa kanilang bangus!

At samahan din si Cesar Apolinario sa kanyang fishing adventure sa Laguna para hanapin din ang sinasabing orihinal na pagkain sa tubig tabang. Matagpuan niya kaya ito?
Balikan din ang ating kasaysayan at alamin ang paboritong seafood ng mga bayaning sina Jose Rizal at mga propagandistang sina Mariano Ponce at Graciano Lopez Jaena!
Isang kakaibang seafood trip ang matitikman ngayong Miyrekules, alas-otso ng gabi. Anu-ano nga kaya ang mga orihinal na yamang-tubig na paboritong kainin ni Juan?

More Videos
Most Popular