ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Estatwa ni Dolphy sa harap ng Museo Pambata sa Maynila, pinasinayaan na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipinakita na sa publiko nitong Martes ang life-size statue ng yumaong Comedy King na si Rodolfo "Dolphy" Quizon na nasa harapan ng Museo Pambata sa Maynila. Sa ulat ni Claire Delfin sa Balitanghali nitong Martes, sinabing kabilang sa dumalo sa ginawang pagpapasinaya sa rebulto ni Dolphy ang kanyang mga anak, kaanak, at ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Maynila, National Historical Institute, Movie Television Review and Classification Board, at ng Museo Pambata. Ang life-size statue ni Dolphy ay gawa umano ni Jonas Roces, na siya ring gumawa ng estatwa ni Dr. Jose Rizal sa Calamba, Laguna. Kwento ng kapatid ni Dolphy na si Laura Quizon, tahimik lang pero sadyang mabait ang hari ng komedya. Ipinaabot ng pamilya Quizon ang pasasalamat sa pagkilalang ibinigay ng Maynila sa aktor. Napag-alaman na kabilang ang Museo Pambata sa mga nakatatanggap ng tulong sa RVQ Foundation na itinayo ni Dolphy. Pumanaw si Dolphy noong July 10, 2012 sa edad na 83.  - FRJ, GMA News

Tags: dolphy