Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

'The Script' vocalist na si Danny O’Donoghue, dahilan nga ba ng breakup nina Janine Tugonon at Jaypee Santos?

April 16, 2013 5:35pm
Photo By: Nimfa Chua (main), screenshot from Kris TV (inset) PEP
Bagamat break na sila, kasama pa ring nag-guest ni Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Marie Tugonon ang ex-boyfriend niyang si Jaypee Santos sa programa Kris TV nitong Martes ng umaga, April 16.

Nagulat ang mga host ng show na sina Kris Aquino at John “Sweet” Lapus nang iminin ni Janine ang tunay na estado ng relasyon nila ni Jaypee.

Habang nagluluto ng tinola katabi si Jaypee, tinanong ni Kris si Janine: “Nag-aaway ba kayong dalawa?”

Hindi naman nagdalawang-isip si Janine at sinabing, "Actually, honestly ngayon, we are not in good terms.”

Tanong ni Kris: “What happened?”

Sagot ni Jaypee, “May mga hindi lang napagkakasunduan.”

Dugtong naman ni Janine, “Siguro may nangyari lang na hindi ko ini-expect na mangyayari.”

WOOED by THE SCRIPT LEAD VOCALIST? Pagkatapos nito ay tinanong ni Kris kung totoo ang balitang nililigawan si Janine ng lead vocalist ng bandang The Script na si Danny O’Donoghue.

"Hindi ko ‘yon type! Parang we’re talking lang,” sagot ng 23-year-old beauty queen.

Dahil dito, tinanong ni Kris: “’Yon ang pinag-awayan ninyo?”

Sagot ni Jaypee, “Oo.”

Agad namang depensa ni Janine, “Pero ano naman 'yan... spur of the moment lang."

At saka inamin ng beauty queen na, “Honestly po kasi, break talaga kami ngayon [ni Jaypee].”

Sa sunud-sunod na pagtatanong nina Kris at Sweet, nabanggit ni Jaypee na hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin si Janine at ang vocalist ng The Script.
 
“I NEED SOMETIME TO THINK.” Ayon kay Janine, nakilala niya ang Irish singer-songwriter nang mag-concert ang kanilang banda rito sa Pilipinas.

Kuwento ni Janine, “Nanood kami ng concert. Kasi, di ba, sa Araneta may meet and greet?

“Since kilala ko ang staff ng Araneta, sabi ko sa kanila, ‘Sobra akong fan ng The Script, puwede bang ma-meet ko?’ ‘Tapos na-meet niya ako.

“Nandoon siya [Jaypee]. Ipinakilala ko nga siya kasi tinanong niya [Danny], ‘Do you have a boyfriend?’

“Sabi ko, ‘Yeah, that's my boyfriend.’

“Tapos 'yon, sabi niya, ‘Follow me on Twitter and I will follow you back.’

“Tapos nag-direct message siya.

“Oo, talagang [nagalit] siya [Jaypee] kasi sabi niya, ‘Kung ayaw mo talaga sa taong ‘yan, hindi mo siya kokontakin.’”

Aminado si Janine na siya ang nakipag-break kay Jaypee.

Katuwiran niya, “Kasi nga ayaw ko naman na may iba akong iniisip.

“Parang sabi ko lang sa kanya, siguro I need sometime to think talaga.”

Sa ngayon, hindi naman daw pinipilit Jaypee na magkabalikan sila  ni Janine.

Aniya, “Gusto niya kasi time pa e, so binibigyan ko pa siya ng time.” -- Nerisa Almo, PEP
 
Go to comments