ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Target ng buy bust operation sa Barili, Cebu, napatay ng mga operatiba


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Napatay ng mga pulis ang isang lalaki na target ng inilatag na buy bust operation matapos umano itong manlaban sa mga operatiba sa Barili, Cebu nitong Lunes ng hapon. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Cristitutu Barcenilla, na nagmula sa barangay Esperanza sa bayan ng Aloguinsan. Ayon sa ulat, dakong 2:00 p.m. nang isagawa ng mga operatiba ang buy bust operation. Ngunit nang papalapit na umano ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng iligal na droga, bumunot ng baril si Barcenilla at pinaputukan ang pulis. Dahil dito ay napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok hanggang sa mapatay si Barcenilla. Nakuha umano kay Barcenilla ang tatlong bulto na hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, mga bala ng shotgun, magazine ng bala, kalibre 45 na baril, at pera na nagkakahalaga ng P2,000 na pinaniniwalaang kinita sa pagtitinda ng iligal na droga. Ayon kay Police Officer  2 Richard Cababat, isinagawa nila ang operasyun matapos matanggap ang report na aktibo umano ang suspek sa pagtitinda ng shabu. “Parang tabo na may tali sa ilalim, kapag may bumili huhugutin yung tali, ilalagay sa tabo ang bayad, pagbalik may laman na,” ayon kay Cababat. Tatlong tao rin ang nadakip kaugnay sa nasabing operasyon ng pulisya. -- Bexmae Jumao-as/FRJ, GMA News