Kylie Padilla, sumabak sa kanyang kauna-unahang rape scene
Inamin ni Kylie Padilla na maraming naglaro sa kanyang isip bago niya ginawa ang kanyang kauna-unahang rape scene para sa hit Kapuso afternoon soap na "Unforgettable." Iniulat sa Star Bites ng Balitanghali nitong Miyerkules, na ang Kapuso hunk na si Polo Ravales ang ka-eksena ni Kylie sa naturang rape scene. Hindi raw biro ang eksena pero pinagbutihan ito ni Kylie alang-alang sa kanyang karakter sa programa. Nakatulong daw sa aktres na buo ang tiwala niya sa direktor ng programa na si Gina Alajar at maging sa kanyang co-star na si Polo. "Before mag-take sabi ko, ' ok lang ba to?' Kasi iniisip ko po baka may makita, o baka isipin ng tao na baka malaswa, ganun," kwento niya. Sa kabila ng kanyang mga pangamba, maayos naman daw ang kinalabasan ng naturang eksena. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News