ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Jackpot prize sa Grand Lotto na umabot sa P120-M, may tumama kaya?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Umabot sa mahigit P120 milyon ang jackpot prize sa 6/55 Grand Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Miyerkules, Abril 17. Sa draw na ipinalabas sa PTV-4, ang lumabas na winning combination para sa 6/55 ay 38-21-04-24-06-19. Sa huling bahagi programa, ipinaalam ng host ng draw na batay sa computer monitoring ay walang nanalo o nakakuha ng winning combination. Samantala, wala ring nanalo sa isa pang draw para sa 6/45 draw na ang winning combination ay 27-02-45-30-33-07, na may papremyong mahigit P19 milyon. — FRJimenez, GMA News
More Videos
Most Popular