ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 mangangahoy, patay sa nag-amok na lalaki; suspek, natagpuang nakabigti


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang mangangahoy sa Mangatarem, Pangasinan ang nasawi matapos silang pagtatagain at saksakin ng isang lalaki na may sakit umano sa pag-iisip. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Martes, sinabing unang nabiktima ng suspek ang isang lalaki na kanyang nakasalubong na tinaga nito sa leeg. Sumunod naman ang babae na nakasalubong din ng suspek na pinagsasaksak niya sa dibdib. Hindi naman nagtagal ay nakitang nakabigti ang suspek sa puno, na ayon sa mga kamag-anak ay may diperensiya sa pag-iisip. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang nangyaring krimen. Pinatay ni utol Sa San Carlos City, Pangasinan, dinakip naman ang isang lalaki dahil sa pagsaksak at pagpatay sa kanyang nakababatang kapatid. Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing naingayan at napikon ang suspek nang magising ito sa ingay ng kanyang kapatid na nakikipag-inuman. Pero paliwanag ng suspek, hinabol siya ng kanyang nakababatang kapatid kaya nasaksak niya ito para idinepensa ang sarili. - FRJ, GMA News

Tags: dagupancrime