ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

15 mga babae, nailigtas mula 'cybersex den' sa Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nailigtas ng mga awtoridad ang 15 kababaihan, kabilang ang ilang menor de edad, mula sa isang bahay na ginagamit umano bilang isang cybersex den sa probinsiya ng Cebu noong Miyerkules ng hapon. Inaresto rin ng National Bureau of Investigation ang isang Australyanong sinasabing nagpapatakbo ng cybersex den, ayon sa ulat ni Jasmine Baylosis ng ng dzBB-Cebu nitong Huwebes. Mariing itinanggi ng dauyhan, na kinilalang si Drew Frederick Shobbrook, 46 anyos, na siya ang nagpapatakbo sa cybersex den. Subalit inihahanda na ang kaso laban sa dayuhan dahil sa paglabag ng Republic Act 10364 o ang expanded Anti-Trafficking in Persons Act, dagdag ng ulat. Nakumpiska mula sa bahay ang mga laptop, desktop computers, cameras, tablet computers at smartphones. Kinumpiska rin ng NBI ang isang hard drive na naglalaman diumano ng mga larawa ng mga hubad na babae. Nauna nang isinailalim ng NBI si Shobbrook sa surveillance matapos makatanggap ng impormasyon ang ahensiya na nagre-recruit siya ng mga babae at kumukuha ng malalaswa nilang video. Inaalam na rin ng NBI ang ulat na ina-upload din daw ng Australyano ang mga video sa iba't ibang porn sites. — LBG, GMA News