ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Sumbong laban sa mag-asawang manggagamot sa Zambales, inaksyunan ng 'Imbestigador'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Imbestigador
Mga sumbong na inaksyunan ng nag-iisang Sumbungan ng Bayan
Airing Date: April 21, 2013
BATANG MINOLESTIYA, MAY SAKIT NA?
Hirap umihi at madalas, may kasama itong dugo at nana. Ito ang pasanin ngayon ng trese anyos na si “Pablo,” 'di niya tunay na pangalan. Nang ipasuri, ikinagulat ng ama niya ang resulta. Ayon sa doktor, maaring nakuha raw ito ng bata sa pakikipagtalik! Ang dahilan-- biktima pala ng pangmomolestiya ang bata. At hindi lang siya, kundi maging ang kanyang pinsan, inabuso rin umano ng salarin! Sa muling paghaharap ng mga bata at ng salarin, makakasama na nila ang awtoridad at ang Imbestigador!
DOKTOR-DOKTORAN
Sa bayan ng Castillejos sa lalawigan ng Zambales, isang mag- asawa raw ang may kakaibang kapangyarihan sa panggagamot, panghuhula at panghihilot. Gamit ang tawas, nagbabagang uling at orasyon, siguradong tanggal daw ang karamdaman mo. Kung nais mo namang malaman ang iyong kapalaran, bilao at gunting ang makasasagot umano sa mga katanungan mo! May dagdag pang kandila para naman daw sa gayumang nais mo! Ang siste sa panggagamot, hindi inaayunan ng mga eksperto. At sa prosesong ito, sumisingil ang mag-asawa ng higit isang daan hanggang pitong daang piso! Kaya ayon sa nagreklamo sa Imbestigador, tama na, sobra na ang delikadong paraan ng panggagamot na wala namang bisa!

More Videos
Most Popular