ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
James Yap, idinaan sa Instagram ang pagbati ng 'Happy Birthday' sa anak na si Bimby
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Para batiin ng maligayang kaarawan ang anak, isang #flashbackfriday photo ang nai-post ng basketball superstar na si James Yap sa photo-sharing website na Instagram. Ngayon araw, April 19, nagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ang anak ni James sa TV host-actress na si Kris Aquino. Kaya naman sa kanyang Instagram, isang larawan kasama si Bimby kunsaan pareho silang nakasuot ng basketball jersey na may signature number niyang “18,” ang ibinahagi ni James sa kanyang followers. Sa caption nito, ipinahayag ng basketbolista ang sobrang pagka-miss niya sa anak. “i miss holding your hand, i miss giving u a hug. Kahit anong mangyari, lagi mo tatandaan na mahal na mahal ka ni papa! Happy birthday babyJames!! #flashbackfriday.” Basahin: James Yap, napaiyak sa bagong away nila ni Kris Aquino Matatandaan na noong nakaraang buwan ay muling nagkaroon ng kontrobersiya sa pagitan nina James at Kris. Ang dahilan ng panibagong isyung ito, ayon sa kampo ni Kris, “overstepping his [James] boundaries and of attempting to seduce her while visiting her home, and of inflicting psychological harm on their son Bimby.” Kasalukuyang may temporary protection order na pinanghahawakan ang kampo ni Kris laban kay James. Isa sa mga pinag-uutos sa TPO, “James Yap should stay away from Kris Aquino and the minor child and any household member at such safe distance but not less than 100 meters.” -- Nerisa Almo, PEP More Videos
Most Popular