ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pag-inspeksyon sa mga pasahero sa NAIA, hinigpitan; pila ng mga bumibiyahe, humaba


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Humaba ang mga pila sa Ninoy Aquino International Airport nitong Biyernes matapos na lalo pang higpitan ng mga awtoridad ang seguridad at pag-inspeksyon sa loob ng paliparan. Ito ay kasunod rin ng naganap na insidente ng mga pagsabog sa US kamakailan.   Ayon sa ulat ni Sam Nielsen sa dzBB radio, kapansin-pansin ang mga miyembro ng US Department of Homeland Security's Transportation Security Administration na nagmamasid sa departure area ng NAIA.   "[Checking sila] sa mga procedure natin sa security, ang pag-check ng ticket, passport, at mga bawal. May coordination sa amin pero confidential 'yan," pahayag ng isang NAIA airport police.   Sa hiwalay na ulat ng radio dzBB sa NAIA Terminal 1, sinabi na ang pila doon ay lalong humaba dahil sa mas mahigpit na pag-inspeksyon sa mga pasahero at sa bagahe nila.   Naging mahigpit daw ang security personnel lalo na sa mga bagay na bawal sa loob ng paliparan tulad ng likido na hihigit sa 100 ml, aerosols, at mga armas.   Nitong Huwebes, nag-inspeksyon ang Philippine National Police sa pamamagitan ng Aviation Security Group nito sa NAIA Terminal 3.   Idinagdag pa na nasabing ulat, na naghigpit rin ang Bureau of Immigration at Philippine Coast Guard sa mga pasaherong lumalabas at pumapasok sa bansa.   Una rito, nagkaroon ng pagsabog kamakailan sa Boston marathon na nasundan naman pagkakasunog at pagsabog sa isang fertilizer plant sa Texas, USA. - JGV/FRJ, GMA News