ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Construction worker, dinakip matapos iturong suspek sa panghahalay  at pagpatay sa 9-anyos na babae sa Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 21-anyos na construction worker sa Cebu ang inaresto nitong Huwebes dahil sa alegasyon na may kinalaman ito sa panggagahasa at pagpatay sa isang 9-anyos na babae sa Lapu-Lapu City.   Kinilala ang suspek na si Juniel Dusaban, na umamin umano sa karumal-dumal na krimen, ayon sa ulat ni Jasmine Baylosis sa affiliate radio station ng dzBB-Cebu nitong Biyernes.   Sinabi sa ulat na nagawa umano ni Dusaban ang krimen dahil sa lasing siya.   Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, sinabi umano ni Dusaban na lumapit sa kanya ang biktima at nanghihingi ng pera. Isinama daw niya ang bata sa isang madalim na lugar at doon ito pinagsamantalahan.   Iginiit ng suspek na wala siyang balak na patayin ang bata, ayon pa sa ulat.   Umaga nitong Huwebes nang natagpuan ang bangkay ng biktima na walang suot na pang-ibaba sa isang madamong bahagi sa Barangay Gun-ob sa Lapu-Lapu City.     Dalawang bata ang nagturo kay Dusaban na huling kasama ng biktima bago ito natagpuang patay. - JGV/FRJ, GMA News

Tags: childrape, rape