ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Namatay sa pagsabog sa pagawaan ng paputok sa Bulacan, umakyat sa 2


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Umakyat na sa dalawa ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog ng isang pagawaan ng paputok sa Bocaue, Bulacan nitong Huwebes.   Kasunod nito, nanawagan ang Bureau of Fire Protection sa may-ari ng pagawaan na lumutang na at tumulong sa imbestigasyon ng awtoridad sa nangyaring insidente.   Sa isang ulat ni Allan Gatus sa radio dzBB nitong Biyernes, kinilala ang ikalawang nasawi na si Adrian Paul Rey, 15-anyos. Nauna nang kinilala ng mga pulis ang unang biktima na si Larry Alano, 21.   Dalawa sa mga nasugatan sa insidente ay kinilalang si Cerilo Fernandez, 17, na dinala sa Malolos Provincial Hospital.   Pinag-aaralan ng mga duktor kung puputulin ang kamay ni Fernandez dahil sa malubhang sugat na tinamo nito, ayon sa ulat.   Samantala, nanawagan naman si Bulacan fire marshal Superintendent Romeo Rillo sa may-ari ng pabrika na si Veronica Cardenas na lumutang na upang tumulong sa pagbibigay linaw sa insidente.   Sinabi ni Rillo na napag-alaman na hindi pa nani-renew ni Cardenas ang permit to operate ng pagawaan ng paputok. -- JGV/FRJ, GMA News