ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pasyente sa ospital, hinuli dahil sa paggamit daw ng iligal na droga


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa kulungan bumagsak ang isang pasyente sa isang ospital sa Dagupan City, Pangasinan matapos na mahuli umano ng guwardiya na gumagamit ng iligal na droga. Sa ulat ng "Balita Pilipinas Ngayon" ng GMA News TV, sinabing naaktuhan umano ng guwardiya ang lalaki na gumagamit ng iligal na droga sa palikuran ng ospital. Mariin naman itinanggi ng pasyente ang akusasyon laban sa kanya kahit pa may nakita umano sa kanya na ilang drug paraphernalia at isang pakete ng hinihinalang shabu. Dahil dito, inaresto ng mga pulis ang lalaki at ikinulong. Ilang araw na umanong naka-confine sa ospital ang pasyente matapos itong bugbugin ng isang grupo ng kalalakihan. Tiniyak naman ng pamunuan ng ospital na paiigtingin pa nila ang pagbabantay dahil sa nangyaring insidente. -- FRJ, GMA News