ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

CSC, muling magsasagawa ng red tape test ngayong taon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isasailalim ng Civil Service Commission (CSC) sa Red Tape Test ang 770 tanggapan ng gobyerno ngayong taon. Bukod dito, isasalang din ang 150 tanggapan na bumagsak noong nakaraang taon sa naturang RTT. Ayon kay CSC Chairman Francisco Duque III, ang mga matataong tanggapan ng pamahalaan ang makakabilang sa RTT. “Sesegundahan namin ang report card survey -- 599 noong nakaraang taon at 770 ngayon. Ang pinakamataong ahensya pa rin ang isasailalim sa report card survey,” Pahayag ni Duque sa panayam ng dzBB. Bumagsak man daw ang isang tanggapan, may mekanismo ang CSC para tulungang mapabuti at mapaganda ang performance nito. Pero kung mayroon pa ring babagsak sa isasagawang red tape test sa kabila ng pagtulong ng CSC, kakasuhan na ang babagsak na tanggapan. Nilinaw naman ni Duque hindi nangangahulugang corrupt o tiwali ang buong ahensya sakaling bumagsak manito sa test. — RC /LBG, GMA News