GMA News Online
Showbiz

El Presidente, humakot ng parangal sa 61st FAMAS Awards

April 22, 2013 12:20am
Nakatanggap ng 14 na parangal ang pelikulang "El Presidente" sa katatapos na 61st Filipino Academy of Movies, Arts, & Science (FAMAS) Awards na idinaos sa AFP Theatre, Camp Aguinaldo nitong Linggo ng gabi.
 
Kabilang sa mga tinanggap nito na parangal ay Best Editing, Best Visual Effects, Best Special Effects, Best Musical Score, Best Original Theme Song, at Best Picture. 
 
Sa kanyang sampung taon ng paggawa ng pelikula,  ito ang unang pagkakataon direktor ng El Presidente na si Mark Meily na tumanggap ng FAMAS para sa kategorya ng Best Screenplay. 
 
Ani Meily, "Pag may nakikita akong FAMAS trophy sa mga meeting sa mga conference room, hinahawakan ko tapos nag-iimagine ako, kasi iba yong trophy ng FAMAS, eh, and now totoo na so it's a dream come true."
 
Si George ER Ejercito Estregan, na gumanap sa pangunahing papel sa "El Presidente," ang nanalong Best Actor.
 
Ginawaran naman ng Best Actress trophy si Angel Locsin sa kanyang pagganap sa pelikulang "One More Try."
 
Binigyan din parangal ang Sampaguita actor at  Walang Tulugan host na si German "Kuya Germs" Moreno para sa kanyang 50 na taon sa entertainment industry sa Pilipinas.  
 
Matapos nito, ginawaran din ni Kuya Germs ang Kapuso tween star na si Joyce Ching at Protege contestant na si Ruru Madrid ng German Moreno Youth Achievement Award. Kasama sa tumanggap ng naturang award sina Xian Lim at Janella Salvador. 
 
Kwento pa ni Joyce, ito ang kanyang kauna-unahang parangal mula nang magsimula siyang mag-artista. 
 
Tinanggap naman ng StarTalk TX host at columnist na si Butch Fernandez ang Dr. Jose Perez Memorial Award.
 
Iginawad naman ang FAMAS Presidential Award in Cinema Art sa tinaguriang Superstar na si Nora Aunor, na hindi nakadalo dahil kasalukuyan siyang nasa shooting para sa isang indie film. 
 
Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa 61st FAMAS Awards: 
 
Best Picture - "El Presidente," Scenema Concept Int., Inc.
 
Best Director - Mark Meily, "El Presidente," Scenema Concept Int., Inc.
 
Best Actress - Angel Locsin, "One More Try," Star Cinema 
 
Best Actor - George ER Ejercito Estregan, "El Presidente," Scenema Concept Int., Inc.
 
Best Supporting Actress - Jaclyn Jose, "A Secret Affair," Viva Films
 
Best Supporting Actor - Cesar Montano, "El Presidente," Scenema Concept Int., Inc.
 
Best Child Actor - Miguel Vergara, "One More Try," Star Cinema
 
Best Child Actress - Barbra Miguel, "Migrante," Xiti Productions
 
Best Screenplay - Mark Meiley, "El Presidente," Scenema Concept Int., Inc.
 
Best Cinematography - Carlo Mendoza, "El Presidente," Scenema Concept Int., Inc.
 
Best Production Design - Danny Red at Joel Bilbao, "El Presidente, "Scenema Concept Int., Inc.
 
Best Editing - Jason Cahapay at Ryan Orduna, "El Presidente," Scenema Concept Int., Inc.
 
Best Musical Score - Jessie Lasaten, "El Presidente," Scenema Concept Int., Inc.
 
Best Sound - Alberto Michael Idioma at Adiss Tabong, "El Presidente," Scenema Concept Int., Inc.
 
Best Visual Effects - "El Presidente," Scenema Concept Int., Inc. 
 
Best Special Effects - "El Presidente," Scenema Concept Int., Inc. 
 
Best Story - "El Presidente," Scenema Concept Int., Inc.
 
Best Original Theme Song - "Aking Inang Bayan," "El Presidente," Scenema Concept Int., Inc.
 
Special Awards: 
 
German Moreno Youth Achievement Award- Janella Salvador, Xian Lim, Joyce Ching, at Ruru Mardid
 
FAMAS Presidential Award in Cinema Art- Nora Aunor
 
FAMAS Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Award - George ER Ejercito Estregan
 
Arturo M. Padua Memorial Award - Cristy Fermin
 
Dr. Jose Perez Memorial Award - Butch Francisco
 
FAMAS Grand Award - Francis Tolentino, MMDA Chairman
 
Exemplary Award for Public Service - Victor B. Endriga, PhD at Dean Amado Domingo Valdez
 
61st FAMAS Special Award 2013 as Champion of Humanitarian Service - Dr. Ricardo B. Pascasio
 
Special Award for Best Male Celebrity Skin of the Night - Benjamin Alves 
 
Special Award for Best Female Celebrity Skin of the Night - Maxene Magalona
 
Kapuso stars
 
Kabilang sa mga presenter ng award ang mga Kapuso stars na sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Jake Vargas, Benjamin Alves, at Alessandra de Rossi  
Tumayo naman bilang hosts sina Pops Fernandez at Christian Bautista sa naturang event. 
 
Nagtanghal naman ng song and dance number sina Maxene Magalona, Glaiza de Castro, Gwen Zamora, at ang La Diva sa simula ng programa kasama si Pops. 
 
Dumalo din and Kapuso stars na sina Kris Bernal, Bela Padilla, Louise delos Reyes, at Kylie Padilla sa awards night. – YA, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus