ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Tambalang 'JaBea,' mas matibay ayon kay Bea Binene


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Balik-tambalan muli sa telebisyon ang tween stars na sina Bea Binene at Jake Vargas o mas kilala bilang "JaBea" sa bagong Kapuso show adventure-fantaserye na "Home Sweet Home." Sa kanilang tatlong taong pagsasama bilang magkatambal, pinareha na ang tween actress sa ibang Kapuso actors tulad nina Kristoffer Martin (Luna Blanca) at Alden Richards (Indio). Sa panayam ng GMA News Online sa aktres sa idinaos na 61st FAMAS Awards noong Linggo, hindi naitago ng tween star ang saya na makakasama niyang muli si Jake Vargas. Bukod pa rito, nabanggit din ng aktres na mas matibay na ang kanilang pagsasama bilang magka-love team kumpara noong dati. "I'm very happy kasi kami ni Jake tatlong taon na po kaming magkasama and at ease na talaga kami sa isa't-isa and now, kumbaga alam na namin 'yong ugali ng isa't-isa, alam na namin 'yong gagawin sa mga eksena, nagbibigayan kami sa mga eksena," ani Bea. "Kapag drama ko, pagbibigyan niya ako, 'pag drama niya magbibigayan kami and Jake is a very good guy and he's a gentleman so wala akong masabi sa kanya. It's really a pleasure to work with him," dagdag nito. Samantala, hindi naman iniisip ni Bea sa ngayon kung may posibilidad bang magtuluy-tuloy ang kanilang love team. Ayon pa kay Bea, "I don't know pero ngayon we know our responsibilities, priorities, and kung ako, ayaw ko pong pangunahan pero alam ko po 'yong priorities ko and kung darating yan, darating 'yan." Makakasama ni Bea sa Home Sweet Home sina Raymart Santiago, Roxanne Guinoo, Gladys Reyes, Arkin Magalona, Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan, Celia Rodriguez, at Jillian Ward. Napapanood ito bago mag 24 Oras. — BM, GMA News

Tags: beabinene