ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Reporter's Notebook Summer Special: Lihim ng Paraiso


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
LIHIM NG PARAISO
Reporter’s Notebook Summer Special
Airing date: April 23, 2013

 
Ang isla ng Boracay ay minsan nang itinanghal bilang best beach in the world ng isang international magazine. Patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga turistang bumibisita rito taon-taon. Pero sa likod ng natatangi nitong ganda, nagtatago ang ilang lihim.
 
Kilala ang Boracay sa pino at maputi nitong buhangin. Pero kung sisisirin ang karagatan nito, nakababahala ang kalagayan ng coral reef o bahura nito. Ayon sa pag-aaral ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, siyamnapung porsyento ng coral reef ng Boracay, maituturing na dead reef. Sa bisa naman ng isang kautusan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR, nagkaroon ng 30 meters easement rule kung saan ipinagbabawal ang pagtatayo ng kahit anumang istraktura tatlumpung metro mula sa shoreline ng Boracay. Pero sa inilabas na tala ng DENR, umabot na sa 150 ang bilang ng mga establisiyimentong lumalabag dito. Aalamin ni Jiggy Manicad kung ano ang ginagawa ng mga kinauukulan sa mga isyung ito.

Tanyag rin ang Boracay sa pagkakaroon ng aktibong night life. Sa buong magdamag, nababalot ang isla ng malilikot na ilaw at maingay na musika. Pero kasabay ng pagkagat ng dilim, nagaganap rin diumano ang isang ilegal na kalakaran. Tututukan ni Maki Pulido kung tunay ngang may sex tourism na umuusbong sa isla, ayon sa ilang watch group.
 
Huwag palalampasin ang REPORTER’S NOTEBOOK Summer Special ngayong Martes, ika-23 ng Abril pagkatapos ng Saksi.