GMA News Online
Public Affairs
»
Imbestigador

Imbestigador

Online Prostitution, sisiyasatin ng 'Imbestigador'

April 24, 2013 4:58pm
Imbestigador
Airing Date: April 28, 2013

CHAKALATE?

Tasty. Sweet. Delicious. Kapag kumain ka ng tsokolate, ikaw raw ay sasaya. Pero sa isang lugar, kahit umulan pa ng tsokolate, wala raw nganganga. Hindi raw kasi matatawaran ang kadugyutan ng isang pagawaan ng tsokolate at candy sa Nagcarlan, Laguna. Umpisahan natin ang chocolate candy saga. Hindi uso ang guwantes. Nagkalat ang mga alagang aso at pusa. Hindi na raw nakakaakit ang candy para kainin pa at ang tsokolate, chaka-late pala!

ONLINE PROSTITUTION

Sa internet, patuloy ang paglipana ng prostitusyon. Patuloy din ang pakikipagpatintero ng mga awtoridad sa mga nangangalakal sa mga kababaihan. Kamakailan, limang kababaihan kabilang na ang tatlong menor de edad ang sinagip kasama ang Imbestigador!

Huwag palampasin ang  Imbestigador ngayong Linggo sa GMA-7, 9:15 PM pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Imbestigador on Facebook
Imbestigador on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement