Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Model-actor Edward Mendez on Vicki Belo: 'For the record, hindi talaga naging kami—platonic lang'

April 24, 2013 5:49pm



Ang pelikulang Kung Fu Divas ang posibleng magpakilala kay Edward Mendez bilang isang leading man.

Siya kasi ang pag-aagawan dito ng mga bidang sina Ai-Ai delas Alas at Marian Rivera.
 
Pinay Pie ang unang pelikula ni Edward, sampung taon na ang nakalilipas, kunsaan nakasama rin niya si Ai-Ai.

Sa shooting ng Kung Fu Divas, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Edward kung ano ang pakiramdam na tila reunion nilang dalawa ni Ai-Ai ang ginagawang pelikula.

Sabi niya, “Yun nga, e. With this one, sobrang nakakatuwa. Having to work with her, sobrang fun.

“Sandali lang ako sa scene, ilang days lang ang shoot na yun [Pinay Pie], pero parang naging feeling at ease ako.

“So, hindi ko na-foresee na ten years later, makaka-work ko ulit siya, pero mas mabigat, so it’s nice.”
 
AUDITIONS. Hindi naging madali ang pagsungkit ni Edward sa leading-man role niya sa Kung Fu Divas. Kinailangan pa niyang mag-audition para rito.

Sabi niya, “Of course, to go to the same process, siyempre, kailangan nilang makita kung kaya kong ganapin yung character.

"So, thankfully, I was able to.”

May ideya ba siya kung gaano sila karaming nag-audition para sa role?

“Siguro marami, hindi ko alam ang exact numbers.

"It took a lot of time talaga sa production o sa producers para pag-isipan.”

Proud ba siya na siya ang napili?

“Yes, very proud and very blessed,” nakangiting sagot niya.
 
FLATTERING. Sa pelikula, isa si Edward sa dahilan ng pag-aaway nina Ai-Ai at Marian. Kaya ang dating tuloy, parang ngayon, isa siyang kapanta-pantasya talaga.

Ano ang pakiramdam?

“It feels flattering, pero mas naiisip ko yung sa movie. Ine-enjoy ko ang moment kaya tina-try ko na huwag madalas sa ganoon.

“It takes a lot of focus and responsibility. So siguro, mae-enjoy ko lang yun kapag natapos ko ang movie.”

Hindi ba siya naiilang kaeksena sina Ai-Ai at Marian lalo na kapag may mga “kilig” scene.

Pareho nang may karelasyon ang dalawang leading ladies niya. Si Marian kay Dingdong Dantes at si AiAi naman ay kakakasal lang kay Jed Salang.

Ayon naman kay Edward, “Siguro, for me, to play the character very well, kailangang tanggalin ko ang ilang.

“Pero, okay naman sila ka-work off-cam. So, I felt so welcome.

“So siguro, isa na yun sa reason kung bakit nawala ang ilang at kaba, of course.”
 
DYNAMIC COMBINATION. Kumusta bang katrabaho sina Ai-Ai at Marian?

“Ano sila… good tandem. It’s the first time na magkaroon ng big stars sa dalawang bakod na magsama.

“I heard that the production worked so hard para mai-combine lang ang dalawang force na ito.

“So, just being part of this dynamic combination, malaking blessing na sa akin yun.

“Malaking plus din sa career ko kasi marami na akong natutunan.

"At saka, yun nga, it’s my biggest break, so far."

Masuwerte nga siya ngayon.

“Yeah, I feel very lucky in between two beautiful women. Kanya-kanya silang beauty but I feel lucky.”
 
SEXY SCENES. Natawa naman si Edward nang tanungin kung nakapag-shoot na sila ng kissing scene.

Aniya, “Hindi ko alam kung magkakaroon, but meron ‘yan, I think. Almost, almost kay Ai-Ai.”

Bigla naman itong nakaalala na may kissing scene na pala siyang ginawa sa pelikula.

“I had my kissing scene. Yung first kissing scene ko was with Ms. Gloria Diaz.

“Well, kissing a Miss Universe was already a check in my bucket list.

“So, this movie actually made my dream come true!” natatawang sabi niya.
 
NEWEST HUNK. Natawa muli si Edward nang itanong namin ang nakarating sa amin na “makalaglag-panty” raw siya kapag lumalabas sa pelikula.

Literal talaga yun?

“Yung character talaga, makalaglag-panty talaga. Kahit na may edad talaga… 80, 90, nalalaglag ang panty.

“But sa set, I’m very unassuming about it, oblivious.

“Siguro ano, sa camera, ang dami kong nakikitang panty, nao-overdose ako sa panty!

“So, yun ang humor twist ng movie.”

Sa totoong buhay ba, nararamdaman din niya na ganoon ang epekto niya sa mga babae?

“Wala namang nalalaglag na panty!” natatawang sabi niya.

“Siguro kapag may nahulog sa head ko na panty, doon ko na lang mari-realize na, ‘Oo nga, ‘no?’ Pero so far, wala naman.”

Pero dahil siya ang napili para sa role, baka nga talagang “makalaglag-panty” talaga ang dating niya?

Sabi ni Edward, “Siguro nga, the mere fact na napili ako ni Direk [Onat Diaz], siguro nga na-epitomize ko yung makalaglag-panty.

“So, very flattering na rin yun.”

Mas nakikilala na siya ngayon bilang isang hunk.

Ganoong imahe nga ba niya ang gustong makilala?

Sagot niya, “Bukod sa pagiging hunk, siyempre gusto ko rin makilala sa pagiging versatile sa acting.

“Part nitong ginagampanan ko, it requires a lot of versatility. At the same time, siyempre yung pagiging action star.

“When I’m doing yung mga eksena, kahit mahirap siya, ano… it feels like parang bata ako.
“It brings back my childhood. Kasi, when you see yung mga action films, you go outside at ginagaya mo, di ba.

“So for me, it’s work and play.”
 
SHIRTLESS. Totoo nga bang wala siyang suot na pang-itaas sa kabuuan ng pelikula?

“Ito na ang costume ko the whole movie, topless talaga!” natatawang sabi niya.

“Kaya nga, naninibago na ako kapag nagdadamit off-cam. Minsan nga, kahit lumabas na ako after work, gusto ko, maghubad na, e.

“I really have to play the character always.”

Pero pag-amin ni Edward, noong una ay medyo naiilang din siya.

“Noong una, hindi ako sanay. Kasi, nang mag-start kami ng shoot, kakatapos lang ng holidays.

“And when we found out that we’ll start the shoot, that was two days after New Year.

“So, that was the most challenging part, na makapag-cut down ako.”
 
FOR THE RECORD. Natatawang reaksiyon naman ni Edward nang tanungin namin kung puwede siyang tanungin ng mas personal na mga tanong.

“I know it’s coming,” niya.

Kung sa pelikula ay na-involve siya sa mas matanda sa kanyang babae, sa totoong buhay din ba ay naranasan niya ito? Dati nang na-link si Edward kay Dra. Vicki Belo.

“I don’t know, e. Kasi, si Vicki, ang tingin ko lang sa kanya is a friend,” nakangiting sabi ni Edward,

“We’ve known each other from before.

"Pero ako naman, hindi ko kinu-close ang sarili ko sa kahit anong edad.

“But with Vicki kasi, it’s pure platonic.

"Like I’ve said previously, hindi talaga maiwasang ma-link ako sa kanya.

“Dahil noong pinasok ko ang showbiz, connected talaga ako sa kanya and her family.

“So, ten years and, you know, Vicki is also connected with Hayden [Kho] and they see me lagi when they broke up.

“Ako ang nakikita rin na magkasama.”

Hindi naging sila ni Dra. Belo noong mag-break ang dalawa?

“No. Kasi, kilala ko na siya even before Hayden pa. Ganoon ako ka-close sa kanya.”

For the record, hindi talaga naging silang dalawa ni Vicki?

“For the record, hindi talaga naging kami—platonic lang.”

Single ba siya ngayon?

“Yes, right now, I’m really single.” -- Rose Garcia, PEP
 




advertisement
advertisement
advertisement