ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batang lalaki, nasawi sa humaharurot na tricycle sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang anim-na-taong gulang na batang lalaki ang nasawi matapos na masagasaan ng tricycle sa Lingayen, Pangasinan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Miyerkules, sinabi umano ng pulisya na bumibili sa tindahan ang batang biktima nang maganap ang trahedya. Posible rin umanong nawalan ng kontrol sa sasakyan ang drayber ng tricycle dahil sa bilis ng takbo nito. Isinugod sa ospital ang bata pero hindi na ito umabot ng buhay. Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek pero nangako itong sasagutin ang pagpapalibing sa bata. - FRJ, GMA News