Payo ni SC chief Sereno sa mga bagong abugado: 'Wag maging tiwali
Pinayuhan ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno noong Miyerkules and 949 na nakapasa sa Bar exams noong nakaraang taon na makilahok sa isang "counter-cultural revolution" upang mabago ang negatibong pagtingin ng publiko sa mga abugado. "The Filipino public feeds on sad, angry jokes about corrupt, overbearing lawyers," ayon kay Sereno sa kanyang talumpati sa oath-taking ceremony ng mga bagong abugado na ginanap sa Philippine International Convention Center. "In large part, we have been characterized as selfish, untruthful, and arrogant, as carrying ourselves with a false sense of entitlement... This public perception must stop," dagdag pa niya. "It is no small matter if each one of you will say in your heart, 'I will not be corrupt and I will not allow anyone to corrupt me," ayon kay Sereno. Ang talumpati sa Oath-taking ceremony noong Miyerkules para sa Bar passers ay kaunaunahan ni Sereno bilang chief justice. Ayon sa kanya, ang isang "counter-cultural revolution" ay pagbabaliktad sa pananaw ng mga mamamayan sa pagkatao ng isang abudado. Aniya, ang pagkilos para sa isang "counter-cultural revolution" – bagama't dapat pangunahan ng Korte Suprema – ay dapat ding pasiglahin ng bagong dugo ng mga batang abugado. Pinaalalahanan ni Sereno, ang kaunaunahang babaeng chief justice ng bansa, ang mga bagong abugado na dapat ibalik nila sa kanilang mga pamilya, sa pamahalaan, at sa tax payers ang halaga ng oras, pera at mga pagsisikap na iginugol para magiging abugado sila. "Simply thinking of the magnitude of all the resources provided you cannot but make all of you grateful," aniya. "The question of worth needs to be answered in terms of whether the public is able to reap an adequate return of investments in you," dagdag pa ni Sereno. Binigyang-diin ni Sereno ang mga pagsisikap ng Supreme Court na mareporma ang hudikatura at linisin ito laban sa mga korap ng hurado at mga mahistrado. Pinabibilisan din umano ng Korte Suprema ang isang resolusyon para sa "disciplinary cases" laban sa mga tiwaling abugado. Para umano mapatingkad ang pagsunod ng mga abugado sa kanilang tungkulin sa hustisya para sa lahat – mahirap man o mayaman – sineseryoso umano ng SC ang pag-review sa "rules on compulsory legal aid to be rendered." Bilang tugon sa panawagan ni Sereno, sinabi ni Ignatius Michael Ingles (ang nangunguna sa Bar exam) na sisikapin niyang maging responsableng abugado at nangakong lalahok siya sa mga repormang ipinatutupad ng Korte Suprema. "If there is a stigma on how lawyers are right now, it's not only on us new lawyers to change it. Everyone is responsible. It's a call for all lawyers. It's on everyone's plate to change that perception," ayon kay Ingles sa kanayang tamlupati. Nang tanungin kung ano ang kanyang gagawin para mabago ang pagtingin ng mga tao sa mga abugado, sinabi niyang: "You have to start with yourself and ask people and friends to have a strong support system because it's hard to change a system without a strong support." — LBG, GMA News