ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mahigit 600 nanay, sabay-sabay na nagpasuso ng mga sanggol sa Legazpi City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mahigit 600 ina ang sumali sa synchronized breastfeeding sa Legazpi City upang ipaalala sa publiko ang kahalagahan at mabuting idudulot ng pagpapasuso sa mga sanggol. Kabilang sa mga nakibahagi sa programa ay si Venus Bercasio, na kasama ang kanyang walong-buwang-gulang na sanggol na si Baby Martin. Ayon kay Bercasio, lahat ng kanyang mga anak ay lumalaki sa kanyang breastfeeding at nakita naman niya ang magandang naidulot nito sa kalusugan ng mga bata. Ang programang ito ay hatid ng lokal na pamahalaan ng Legazpi sa layunin na mas mapalawak ang kaalaman ng publiko - lalo na sa mga ina -- sa mabuting idinudulot ng pagpapasuso sa mga sanggol. Paliwanag ni Arlene Reario, ng National Nutrition Council- Region 5, mahalaga ang colostrum o ang gatas ng ina na puno ng sustansiya at mainam sa kalusugan ng bata. Paliwanag pa niya, mayroon anti-bodies ang gatas ng ina na tumutulong para hindi maging sakitin ang sanggol. Ipinapayo naman ng mga eksperto ang pagpapasuso hanggang sa ikalawang taon ng mga bata kasabay ng pagpapakain na rin ng gulay. -- Michael Biando/FRJ, GMA News