ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang motorcycle riders, hinuli ng LTO sa Commonwealth Avenue


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hinuli ng mga tauhan ng Land Transportation Office nitong Biyernes ang mga motorcycle rider ng hindi bababa sa 10 motorsiklo sa kahabaan ng Commonwealth Avenue dahil sa overspeeding at paggamit ng helmet na walang sertipikasyon ng kinauukulang mga ahensya. Sa panayam ni Manny Vargas ng dzBB kay Dir. Muhammad Yusoph Lamping ng LTO Law Enforcement Division, sinabi ng opisyal na ang panghuhuli ay bahagi ng kanilang Oplan Summer Days upang masiguro na sumusunod sa batas-trapiko ang motorcycle riders. Ayon sa kanya, madalas na nasasangkot sa aksidente sa lansangan ang mga motorcycle rider. Kabilang sa nahuli ang isang motorcycle rider na may angkas na tatlong bata at nakasuot ng helmet na pang matanda at maluwag sa ulo ng bata. — RC /LBG, GMA News