ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

3 sugatan sa LP rally dahil sa pamamaril ng aide ni Customs chief Biazon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tatlo katao ang nasugatan sa pamamaril umano ng secuirty aide ni Customs Commissioner Rozzano Rufino Biazon sa isang political rally ng Liberal Party sa Muntinlupa City nitong Biyernes ng gabi. Nangyari ang insidente bandang alas-9:30 ng gabi sa labas ng gymnasium ng Barangay Potatan, ayon sa ulat sa radio dzBB nitong Sabado. Ayon kay Biazon, nagkaroon ng panandaliang kaguluhan sa rally matapos umalingawngaw ang mga putuk ng baril. Galing diumano ang putok sa baril ng security aide niya. Nagpaputok diumano ang security aide matapos tangkain siyang bugbugin ng tatlong lalaki, ayon sa hiwalay na ulat ni Paulo Santos sa dzBB. Ang security aide ay nagbabantay sa labas ng gymnasium ng lapitan siya ng tatlong lalaki, na pinagsimulan ng away. Inaalam pa ng pulisya kung totoo ang balitang may personal na away na talaga dati pa ang tatlong lalaki at ang security aide ni Biazon. — JGV /LBG, GMA News