ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kiddie fashion with Jillian Ward at closet ni Steven Silva, tampok sa Fashbook!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Miyerkules sa Fashbook, iba’t ibang fashion at beauty tips pati na rin celebrity style ang matutunghayan. Una na dito ang segment tungkol sa kiddie fashion kung saan ipapakita ng Fashbook ang tamang pagporma ng mga bata. Nitong mga nakaraang taon, nauuso na sa Hollywood ang mga batang fashionista tulad ng anak nila Tom Cruise at Katie Holmes na si Suri Cruise pati na rin ang anak nila David at Victoria Beckham na si Romeo Beckham. Pero hindi lang sa Hollywood nauuso ang mga batang fashionista pati na rin sa Pilipinas. Sa tulong ng child star na si Jillian Ward, inalam ng Fashbook ang mga bago at bagay na looks para sa mga bata. Sinilip din ng Fashbook ang closet ng ilang Kapuso child stars tulad nila.

Bukod sa kiddie fashion, sinugod din ng Fashbook ang closet ng Starstruck V Ultimate Male Survivor na si Steven Silva. Ipapakita ni Steven ang kanyang koleksyon ng mga damit pati na rin memorabilia niya na natanggap mula sa mga kaibigan niyang artista tulad nila Rocco Nacino at Sarah Labahti. Makikita rin ang mga ipinapadalang regalo ng kanyang ina mula sa US. Mayroon ding isang mini-Hunk Profile kung saan ilalahad ni Steven ang kanyang mga tipo pagdating sa girls.

Sa S-List naman, ituturo ng Fashbook host na si Solenn Heussaff ang iba’t ibang style ng bandeau o ang damit pang-taas na dating ginagamit ng mga babae bilang undergarment. Tatlong looks ang kanyang ipapakita: Ang flirty look, ang preppy look at ang edgy look. Magbibigay din ng ilang tips si Solenn para sa mga hindi sanay mag-suot ng Bandeau ngunit gustong subukan ang ganitong style.

Mapapanood ang Fashbook tuwing Miyerkules, 10pm, pagkatapos ng SONA sa GMA NewsTV.