ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

YouTube sensation Zendee Rose, inilunsad ang debut album


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Iniidolo ng Youtube sensation na tinatawag bilang si "random girl" na si Zendee Rose Tenerefe o mas kilala bilang Zendee ang international Grammy award-winning singer at songwriter na si Taylor Swift dahil sa kanyang estilo ng pagsusulat ng mga awitin. Gayundin, tulad ni Taylor Swift, na kilala sa mga awitin tungkol sa kanyang sarili, buhay pag-ibig at dating nakarelasyon, nagsusulat din ng mga kanta ang 21-anyos na si Zendee. "High school pa lang ako, nagsusulat na ako ng kanta. Iniidolo ko si Taylor Swift kasi buhay niya 'yong sinusulat niya," ani Zendee sa kanyang album launch nitong Martes. Dagdag pa nito, "Ako po kasi, mahilig po akong gumawa ng kanta na buhay na iba. Yon yong gusto kong makuha sa kanya." Gayunpaman, bagama't nagsusulat ang singer, hindi nakasama sa kanyang 9-track debut album na may titulong "I believe" ang kanyang original composition. "'Yong ginawa ko pong kanta, bale sa next album. 'Yong pinili po namin ngayon mga best kasi first siya so dapat bongga, parang ganon," batid nito. "Hindi naman sinasabing hindi bongga [yong kanta ko] pero maganda po talaga ng gusto ng lahat." Kabilang sa naturang album na may tatlong cover songs at anim na original songs, ang mga awiting "Hallelujah," "Go The Distance," "Runaway," at "The Ones You Love." Charice, Manny Pacquiao, at Jason Mraz Hiningan ng payo si Zendee ukol sa pambabatikos sa idolong si Charice. "Kung ano pong gusto niyang gawin sa sarili niya, hayaan niya po 'yong ibang tao na humusga sa kanya. Kung saan po siya masaya, yong mga tunay niyang fans magiging diyan para sa kanya," payo nito. Tulad ni Charice, naging guest din si Zendee sa American talk show na "The Ellen DeGeneres Show." Umere ito noong Oktubre 26, 2012. Samantala, ngayong Mayo 14, makakasama naman ng international singer na si Jason Mraz si Zendee bilang special guest sa kanyang concert na idaraos sa Smart Araneta Coliseum. Gayundin, gusto nitong bigyan ni Zendee ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ng kanyang debut album. Aniya, "Hindi pa po kami nagkikita, hinahanap ko nga po siya, eh, kasi gusto ko pong ibigay 'yong album ko kasi dati po pangarap ko lang pong magka-album." Isa si Zendee sa mga scholar ng Pinoy boxing champ. Dahil sa tulong nito, nakapagtapos si Zendee ng kursong Information Technology sa STI-General Santos. — BM, GMA News