ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pimentel and Zubiri answer questions on 'Kandidato 2013'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
KANDIDATO 2013: SENADOR
Airing Date: May 2, 2013
Sa huling pagtatanghal ng KANDIDATO 2013: SENADOR, sasalang sa matinding job interview ang dalawang kilalang magkatunggali sa pulitika: ang nagbitiw na senador na si Miguel Zubiri at ang pumalit sa kaniyang pwesto na si Koko Pimentel.
"Kalaban ng Pandaraya" ito ang bagong palayaw at adbokasiya ni Senador Koko Pimentel. Ito ay matapos siyang matalo sa eleksyon noong 2007 dahil umano sa dayaan sa Mindanao. Bilang isang abogado, tiwala si Pimentel na kaya niyang maging isang mahusay na senador. Alamin kung anu-anong panukala pa ang nais niyang isulong sa senado kung sakaling palarin sa eleksyon. At matapos ang kontrobersiyal na paghihiwalay nila ng kaniyang asawa, kumusta na kaya ang kaniyang personal na buhay? Paano nakaaapekto sa kaniyang kampanya ang pagiging binata muli?
Samantala, marami ang nabigla nang magbitiw bilang senador si Migz Zubiri noong 2011 nang pumutok ang isyu ng diumano’y dayaan sa eleksyon. Ngayong susubukan niyang magbalik bilang mambabatas, tiwala na nga ba siya na hindi na magaganap ang ganitong anomalya? Ano ang reaksyon niya sa mga akusasyong baka maulit ang naganap na dayaan? Kumusta na nga ba ang kaniyang pakikitungo sa noo’y nakaalitang si Koko Pimentel?
Samahan sina Arnold Clavio, Howie Severino at Malou Mangahas na kilatisin ang mga kandidato sa pagka-senador. Huwag palampasin ang KANDIDATO 2013: SENADOR ngayong Huwebes, ika-2 ng Mayo pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

More Videos
Most Popular