ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

6 na kilong shabu nasamsam; 3 Tsino naaresto sa raid sa Cavite


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasamsam ng mga awtoridad ang aabot sa anim na kilong pinaghihinalaang shabu, samantalang tatlong mga Tsino naman ang naaresto sa isang raid sa Bacoor City, Cavite, madaling-araw nitong Miyerkules. Patuloy pa ang operasyong ng drug enforcement agents matapos makatakas ang isa pa umanong suspek, ayon sa ulat ng dzBB. Isinagawa ang raid dakong alas-2 ng umaga ng mga operatiba ng Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs Sepacial Operations Task Force sa isang bahay sa Meadow Wood Executive Village. Nirentahan umano ng tatlong Tsino ang bahay sa Bacawan St. Brgy. Banahan. Kinilala ang mga naaresto na sina Gu Fang Ku, Kha Sing Fa, at Wng Fang Yuan. Nadiskubre ng mga awtoridad ang anim na supot ng shabu na tig-iisang kilo ang bigat at aabot umano sa P30 milyon ang hala ng mga ito, ayon sa ulat. Natukalasan naman umano sa ikalawang palapag ng bahay ang mga instrumentong gamit sa pagpapatuyo ng ipinagbabawal na gamot. Ayon kay Chief Insp. Roque Merdeguia, Chief Legal and Investigation Aide, isang imbakan at patuyuan ng ilegal na droga ang nasabing bahay. Sinabi naman ni Police Sr. Supt. Alexander Rafael, acting Provincial Dir.-Cavite Police Provincial Office, umabot ng isang buwan ang ginawa nilang pagmamanman bago isinagawa ang raid. Ayaw naman magbigay ng pahayag ang tatlong nahuling Tsino na dinala agad sa Camp Crame. — RC /LBG, GMA News