Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Pinoy aspiring singer Aldrich Lloyd Talonding from GenSan may guest on The Ellen DeGeneres Show

May 1, 2013 10:44am

Malaki ang posibilidad na mag-guest sa show ni Ellen DeGeneres ang young Filipino aspiring singer na si Aldrich Lloyd Talonding ng Barangay Labangal, General Santos City.
 
Ito ay dahil napanood ng sikat na American TV host ang video niya habang kinakanta ang kanyang soulful rendition ng "Dance With My Father" habang naggigitara naman ang kanyang pinsan na si James Walter Bucong.
 
 
Sa April 30 episode ng kanyang programa, ipinakita ni Ellen ang short clip ng viral video ni Aldrich.
 
"Last week, I saw a video of this young man. He’s from the Philippines and you gotta see this kid, amazing," ang introduction ni Ellen sa video ni Aldrich.
 
Dagdag pa ng American TV host, "How beautiful is that? Such soul in that little boy so I'm looking for you. Please come here and sing to me and all of my friends here. You're amazing."
 
 
Dahil sa endorsement ni Ellen, nadagdagan ang hits ng viral video ni Aldrich at ng kanyang guitarist, ang pinsan niya na si James Walter Bucong.
 
Naka-post ang endorsement ni Ellen kay Aldrich sa website ng Ellen at may caption na: "This amazing web video surfaced from the Philippines, and Ellen was blown away by this young man's moving performance. Check it out!"
 
Si Aldrich ang ika-apat na Filipino aspiring singer na inimbitahan ni Ellen na mag-perform sa kanyang show. Nauna na rito sina Charice Pempengco, Rhap Salazar, at Zendee Rose Tenerefe. Pep.ph




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus