ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

CHR, nag-oobserba sa mga kilos-protesta ngayong Labor Day


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagpadala ang Commission on Human Rights ng mga tauhan sa mga lugar kung saan isinasagawa ang Labor Day protests ngayong Miyerkules ubang tiyakin na walang malalabag na karapatang pantao. Ayon sa pinuno ng CHR na si Loretta Ann Rosales, mago-obserba lamang ang CHR sa mga programa sa mga protesta at kung paanong pananatilihin ng mga pulis ang kaayusan, ayon sa ulat ni Allan Gatus sa dzBB. Nanawagan si Rosales sa mga magpo-protesta at sa Philippine National Police na maging mahinahon, dagdag pa ng ulat. Ipinaalala rin ni Rosales ng nauna nang pahayag ni Metro Manila police chief Director Leonardo Espina na bawal magdala ng armas ang mga pulis at kailangan ay may kalayuan sila sa mga nagpoprotesta. Nanawagan din si Rosales sa mga nag-organisa ng mga kilos-protesta na bantayan din ang kanilang hanay upang matiyak na walang gulong mangyayari. Maraming mga ang nagsasagawa ng mga protesta upang igiit ang kasiguruhan sa paggawa at iba pang mga benepisyo. Samantala, nagpadala naman ang PNP ng mga tauhan mula sa ilang lugar sa Luzon upang dagdagan ang puwersa nito sa Metro Manila. — JGV /LBG, GMA News