ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Labor Day 2013: PNoy nasa Tarlac, malayo sa mga rally sa Manila


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Habang nagpoprotesta ang mga grupo ng manggagawa sa Malacañang Palace sa Manila, pinili ni Pangulong Benigno Aquino III na ipagdiwang ang Araw ng Manggagawa [Labor Day] sa Tarlac, ang kanyang home province.
 
Nagtungong Tarlac City si Aquino noong Martes ng hapon, matapos ang kanyang dialogue kasama ang mga kinatawan ng labor sector sa loob ng Palasyo, upang masaksihan ang isang job fair sa lugar.
 
Ayon kay presidential spokesperson Edwin Lacierda, nagpahinga muna ang Pangulo nitong umaga ng Araw ng Manggagawa upang mapagaling ang kanyang sipon at ubo.
 
"This is an opportunity for him na magpahinga. Alam niyo naman he got colds and cough sa kampanya pa lang. He is taking medications for that," ani Lacierda nitong Miyerkules ng hapon.
 
Agad namang nilinaw ni Lacierda na hindi tumatakas ang Pangulo mula sa mga Labor Day protest sa Manila.
 
"This was scheduled weeks ago. The recommendation for activities came from DOLE [Department of Labor and Employment]. Hindi naman umiiwas," ani Lacierda.
 
Dagdag niya, inaasahang magsagawa ng pagpupulong si Aquino kasama ang mga lokal na pinuno sa bayan ng Victoria ngayong araw.
 
Noong nakaraang taon, isinagawa ni Aquino ang kanyang dialogue kasama ang mga manggagawang grupo sa mismong Araw ng Manggagawa. Nag-inspeksyon din siya sa isang government-sponsored job fair sa Pasay City.
 
Sa mga pagprotesta sa Araw ng Manggagawa noong 2012, hinarap ni Lacierda—kasama rin sina Budget chief Florencio Abad at presidential political adviser Ronald Llamas—ang mga militanteng nagprotesta sa Mendiola Bridge upang sigurihin ang pag-aksyon ng gobyerno sa kanilang mga hinaing.
'Empty promises'
 
Samantala, binatikos ng mga labor group na nagpoprotesta sa labas ng Malacañang ang administrasyong Aquino dahil sa umano'y "empty promises" nito sa mga Pilipinong manggagawa.
 
Ayon kay Leody de Guzman, pangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), ikinadidismaya niya ang umano'y kawalang-aksyon ng gobyerno upang itaas ang pasahod sa bansa.
 
"Workers will go home empty handed in this year’s Labor Day. Noynoy is halfway through his six-year term in office, but he could not even raise wages so as to prove that the much publicized economic growth could trickle down to the workers and the poor," ani De Guzman nitong Miyerkules.
 
Inilarawan rin ng pinuno ang non-wage na benepisyong alok ng gobyerno sa mga manggagawa ngayong taon bilang "next to nothing."
 
Noong Martes, tinanggihan ni Aquino ang panawagan ng mga manggagawa na bigyang prayoridad ang panukalang-batas para sa "security of tenure," pati na rin ang kahilingang bigyan ng tax exemptions ang minimum wage earners.
 
Sa halip, inalok ng Pangulo ang pagpapareho sa compensation benefits ng mga empleyado at manggagawa ng gobyerno sa pribadong sektor, at sa pagbabago ng social security pension scheme.
 
Gayunpaman, sinabi ni Ferdinand Gaite ng Confederation for Unity, Advancement and Recognition of Government Employees (COURAGE) na "a big disappointment and amounts to nothing" ang non-wage benefits package ni Aquino.
 
“For President Aquino, the workers either have to be retired or be disabled from an accident before they can benefit from his nonwage benefits pronouncements... What we need is a wage hike right here, right now," ani Gaite sa hiwalay na pahayag. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News