GMA News Online
NewsTV
»
Biyahe ni Drew

Biyahe ni Drew

'Biyahe ni Drew:' Sumasagad sa Sagada

May 2, 2013 11:48am
BIYAHE ni DREW GOES TO SAGADA
May 3, 10-11pm, sa GMA News TV
Like us:  Facebook.com/biyahenidrew
Follow us:  Twitter.com/biyahenidrew

Takasan ang nagbabagang init sa Maynila at makisabay na sa Biyahe ni Drew sa Sagada! Para marating ang Mountain Province’s Pride, haharapin ni Drew ang dose oras na biyahe. Pero kung nakagiginaw na panahon naman ang aabutan doon, sulit na sulit na ang pagod sa daan.
   
Bitbit ang kaniyang bisekleta at jacket at meron lang 48 hours mula pagdating niya sa Sagada, hindi na magpapatumpik-tumpik pa ang veteran traveler.  Pag dating pa lang, bonfire with inuman ang agad sasalubong sa kaniya, with matching mainit na sabaw ng bagong lutong Pinikpikan, isang traditional dish sa Sagada.
 
Kinabukasan, lilibutin ni Drew ang maliit na 5th class municipality na halos nasa labing-limang libo lang ang residente. Pero dahil sanay na sa turista ang mga tagarito, hindi mauubusan ng matutuluyan ang mga bisita. Ang price range ng bawat kuwarto:  150-300 pesos a night lang! Sabi nga ni Drew,  “Makikita mo na may kahit may mga inn or major hotel na tirahan na engrande, believers sila na let’s maintain the town, wag natin i-commercialize… yung mga ganung pag-iisip nakakadagdag ng charm.”
    
Sa pamamasyal ni Drew, sisilipin niya ang ilan sa mga lugar na talaga namang ‘charming’ ika nga.  Tulad ng Public Market na maaga pa lang ay buhay na buhay na. At dahil bahagi ng tinaguriang Vegetable Basket of Luzon,  halos 70% cheaper ang presyo ng mga gulay dito kaysa sa Maynila!

Hindi rin palalampasin ni Drew ang pagkakataong mag-topload o sumakay sa ibabaw ng jeepney.  Sa halagang 45 pesos per 17.8 kilometers, ito raw ang pinakamurang paraan ng pagbibiyahe sa Sagada at mga  karatig-bayan.  Pero dahil medyo delikado, hindi ito para sa lahat.

Pero may iba pa namang paraan para maglibot tulad ng paglalakad at pagbibisikleta.  Kaya naman sakay ng kaniyang mountain bike, lilibutin ni Drew ang iba’t ibang trails at attractions dito, tulad ng tinaguriang Marlboro Country sa Northern part ng  Sagada; ang mga kilalang Burial Caves na huling hantungan ng mga Igorot at kung saan din makikita ang famous hanging coffins; at ang Echo Valley na isang natural wonder. 

Sa Sumaguing Cave naman, madidiskubre niya ang iba’t ibang rock formations at susubukang sumulong sa napakalamig na natural spring sa loob mismo ng kweba.
 
Sasampolan din niya ang masarap na Lemon Pie na patok na patok sa parehong locals at visitors.  Ayon pa kay Drew: “Nag-post nako sa twitter, ang dami ng nag comment! Pero sabi nila pinaka marami ang nagsabi na tikman ko raw ang lemon (pie).”
 
Ilan lamang ‘yan sa mga dapat abangan sa Biyahe ni Drew sa Sagada.

Abangan din ang dalawang “key words” na susulpot sa episode para makasali sa Biyahe ni You: Biyahe ni Drew Travel Photo Contest at baka kayo ang isa sa tatlong mananalo ng Drew-approved travel kit – backpack, personalized bag tag, toiletries kit at travel journal. Para sa karagdagan impormasyon tungkol sa promo, bumisita lang sa www.facebook.com/biyahenidrew.
 
Ilan lamang ‘yan sa mga dapat abangan sa Biyahe ni Drew sa Sagada.  Kaya kung gusto n’yong magplano ng Sagada trip at makakuha ng tipid tips bago matapos ang summer, tumutok na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus