ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking tumatawid sa kalsada habang gumagamit daw ng cellphone, mabundol ng motorsiklo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kapwa malubhang nasugatan ang isang rider ng motorsiklo at ang lalaking kanyang nabundol na tumatawid ng kalsada sa barangay Bolalacao sa New Lucena, Iloilo.   Ayon sa nakasaksi sa insidente, gabi nitong Martes nang makitang tumawid ng kalsada at tila may kausap sa cellphone ang biktimang si Joepe Vellera, 24-anyos. Kasunod nito ang pagdating naman ng motorsiklong minamaneho ni Arvin Roy Poqueta, 24-anyos.   Maaari umanong hindi na naiwasan ni Poqueta si Vellera dahil nabilis ang takbo ng motorsiklo nito; at hindi rin napansin ng biktima ang dumarating na motorsiklo dahil tila may kausap ito sa cellphone.   Mabilis namang dinala sa ospital ang dalawang lalaki na kapwa nagtamo ng mga sugat at pinsala sa ulo at katawan. -- AQuimsing/FRJ, GMA News