GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Vin Diesel at iba pang cast ng 'Fast and the Furious 6,' darating sa bansa

May 3, 2013 12:02am
Tiyak na ang pagdating sa bansa ng ilang cast members ng upcoming action movie na “Fast and the Furious 6,” sa pangunguna ni Hollywood actor na si Vin Diesel.
 
Sa ulat ng GMA news Saksi nitong Huwebes, sinabing darating sa bansa sina Vin, Michelle Rodriguez at si Luke Evans, na naging bida rin sa pelikulang "Immortals."
 
Bukod sa pagdalo sa red carpet premiere ng "Fast and the Furious 6," dadalo rin umano si Vin sa isang car show na inorganisa ni Jonathan Cho.

Kasama rin sa "Fast and the Furious 6" sina Jason Statham, Paul Walker at actor-wrestler Dwayne "The Rock" Johnson.

Sinabing napili umano ang Pilipinas na puntahan ng cast members ng "Fast and the Furious 6" para sa premiere dahil na rin sa naging tagumpay ng Hollywood film na "The Bourne Legacy," na dito sa bansa kinunan ang malaking bahagi ng mga eksena. - FRJimenez, GMA News