ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

The Science Behind Armors, ngayong Sunday sa 'AHA!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
AHA: The Science Behind Armors
Airing date: May 5, Sunday, 9:00 AM

Alam n’yo bang may submarine na raw sa Pilipinas? Samahan si ka-AHAng Drew Arellano sa kaniyang pagsakay at pag-eexplore sa nag-iisang tourist submarine sa Cebu. Alamin kung paano nga ba lumulubog at lumulutang ang isang submarine. Gaano kakapal ang mala-armor na bakal nito?


Si ka-AHAng Maey Bautista naman, makiki-up close and personal sa endangered animal na pangolin sa Palawan na kamakailan ay naging laman ng mga balita. Alamin ang mga katangian ng isang pangolin. Bakit ito may makapal na scales na parang armor?

Tuklasin din kung gaano kakapal na bakal ang ginagamit sa mga armored vehicles gaya ng military tanks, at maging sa private armored vehicles na ginagamit ng mga banko.



At dahil matunog ngayon sa usapan ang pelikulang ‘Ironman’, alamin nga natin kung ano nga ba ang iron. Ano ang pinagkaiba ng iron na metal sa iron na mineral? Ano-ano ang karaniwang gamit ng iron sa ating pang-araw-araw na buhay?

Tuklasin ang iba’t ibang kaalaman tungkol sa armor at iron, kasama si ka-AHAng Drew Arellano, ngayong Linggo, 9:00 AM sa GMA.
Tags: plug, aha, ironman, irons, armor