ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vic Sotto at Pauleen Luna, sekreto nga bang ikinasal sa Macau?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kahit walang direktang pag-amin sa tunay na estado ng kanilang relasyon, usap-usapan pa rin ngayon ang umano'y sekretong pagpapakasal sa Macau nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Batay sa kumalat na mga balita na pinag-usapan maging mga social networking site, sinabing naganap ang pagpapakasal nina Vic at Pauleen nang magbakasyon sila sa Macau kamakailan. Sa ulat ng "Chika Minute" ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabing tumanggi munang magbigay ng pahayag ang dalawa nang hingin ng komento ng GMA News tungkol sa nasabing isyu. Basahin: Oyo Sotto on dad Vic Sotto: 'Kahit na mali ang desisyon niya o tama, respeto pa rin' Ngunit kung ang manager ni Pauleen na si Lolit Solis ang tatanungin, hindi ito naniniwala na ikinasal na ang dalawa. Tiyak daw na hindi papayag ang mga magulang ni Pauleen na ikasal ang dalaga sa ibang bansa na wala sila. Bukod dito, sinabi ni Manay Lolit na sa bahay pa rin ng mga magulang ni Pauleen umuuwi ang dalaga. Basahin: Vic Sotto, nagsalita na tungkol sa ipinatayong bahay ni Pauleen Luna 'Yung kasal, nandiyan naman 'yan' - Vic Sa nakaraang panayam kay Vic noong nakaraang Disyembre, minsan na rin siyang nausisa tungkol sa posibleng paglagay sa tahimik kasama si Pauleen. “Yung kasal, nandiyan naman 'yan, e. Hindi naman natin alam kung ano ang plano sa atin ng Diyos," seryosong sagot ni Vic sa artikulong lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP). Nabanggit din ni Vic sa panayam na kukunin niyang abay si Sen. Bong Revilla Jr. kapag ikinasal siya dahil masyado umanong bata ang actor-politician para maging ninong niya sa kasal. Magkasama sina Vic, Sen Bong at Judy Ann Santos sa Si Agimat Si Enteng Kabisote at Si AKO na ipinalabas sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong nakaraang Disyembre. Bilang reaksiyon sa naturang usapan ng kasalanan, sinabi ni Sen Bong na, “Isa ako sa pinakamasaya kung sakaling matuloy 'yan." Dagdag pa niya, “Kung ano ang magpapasaya kay Vic, nandun ang suporta ko. “Siyempre, masaya rin yung may inuuwian ka, yung merong mag-aalaga sa iyo, at may kasama ka sa pagtulog. “Sana nga makakita na siya ng makakasama niya, at merong mag-aalaga sa kanya, at meron siyang mamahalin na makakasama niya," pahayag ni Sen. Bong. Gayunman, sinabi rin sa naturang panayam na ayaw umanong i-entertain ni Pauleen ang ideya ng kasalan nang sandaling iyon dahil napakabata pa raw niya. - FRJimenez, GMA News