ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

GMA Network, una pa rin sa ratings sa Urban Luzon, Mega Manila


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Muling namayagpag ang GMA Network Inc. pagdating sa ratings sa Urban Luzon at Mega Manila, batay sa overnight data nitong Abril 21-30 ng pinagkakatiwalaang ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement. Nakatanggap ng 34% sa average total day audience share sa Urban Luzon ang GMA-7, higit sa 30.3% ng ABS-CBN at 13.5% ng TV5. Sa balwarte nito sa Mega Manila, nakakuha ng mataas na average total day audience share ang GMA-7 (35.1%) kumpara sa ABS-CBN (28.5%) at sa TV5 (14.3%). Bukod pa rito, tinalo ng Kapuso Network ang mga kalabang istasyon sa pang-umaga, panghapon, at panggabing program block. Nanguna ang GMA-7 sa listahan ng top programs sa Urban Luzon at Mega Manila. Pasok ang 18 na programa sa 30 slots sa parehong listahan. Pasok sa nasabing listahan ang katatapos na Korean adaptation na “Temptation of Wife” na pinagbidahan nina Marian Rivera, Glaiza de Castro, Rafael Rosell, at Dennis Trillo. Kabilang din sa nasabing listahan ang “Kapuso Mo, Jessica Soho,” “Magpakailanman,” “Indio,” “Mundo Mo’y Akin,” “24 Oras,” “Imbestigador,” “Eat Bulaga,” “Celebrity Bluff” at “Bubble Gang.” Gayundin, ang mga programang “Vampire Ang Daddy Ko,” “The Greatest Love,” “Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento,” “Smile Dong Hae” at “Kapuso Movie Festival” ay kabilang din sa top programs. Samantala, hindi rin nagpahuli ang bagong Kapuso shows na “Love and Lies,” “Queen and I,” at “Ryzza Mae Show.” Nakatanggap ito ng mataas na marka sa listahan ng top programs sa Urban Luzon at Mega Manila.   Ang GMA at TV5 ay kapwa naka-subscribe sa Nielsen TV Audience Measurement, habang ang ABS-CBN ang tanging naka-subscribe sa Kantar Media. Sa Mega Manila, ang Nielsen ay may household sample size na 1,190 kumpara sa 770 household ng Kantar Media. — Mac Macapendeg/KBK, GMA News