ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Sektor: Matatanda' sa Reporter's Notebook


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
SEKTOR: MATATANDA
Reporter’s Notebook Special Election Series
Last of an Eight-Part Election Series
Airing date: May 7, 2013


Sa pinakahuling pagtatanghal ng “Sektor,” sisiyasatin ng Reporter’s Notebook ang dahilan kung bakit kabilang ang mga matatanda sa walong pinakamahihirap na sektor ng ating lipunan.

Sa tala ng Department of Social Welfare and Development o DSWD, sa mahigit anim na milyong senior citizen sa bansa, nasa isang milyon ang maituturing na indigent o namumuhay sa ilalim ng poverty line. Ayon sa National Statistical Coordination Board o NSCB, matatagpuan sa CARAGA Region ang pinakamahirap na senior citizens sa bansa. Ang ilan sa kanila, nakilala ng Reporter’s Notebook sa bayan ng Basilisa sa Isla ng Dinagat.
 



Si Lolo Pael, sa edad na pitumpu’t dalawang taong gulang, napipilitan pa ring maghanapbuhay para sa pamilya. Sinisisid niya ang dalawampu hanggang tatlumpung talampakang lalim ng dagat upang makahuli ng isda. Mahirap na nga ang pagsisid, dagdag pasakit pa ang iniinda niyang sakit na ulcer pero kailangan muna raw niyang tiiisin ang sakit para magpatuloy sa paghahanap-buhay.
 



Sa barangay Puerto Prinsesa sa bayan pa rin ng Basilisa, nadatnan naman naming nakaratay at nanghihina si Lolo Juliano, pitumpu’t tatlong taong gulang. Sa sampung taon niyang pagkakasakit, ni minsan hindi pa raw siya natingnan ng doktor. Ang masaklap ang kanilang health center, salat sa gamot at kagamitan.
 
Paano matutugunan ang mga pangangailangan ng ika-walong pinakamahirap na sektor ng ating lipunan? Huwag palampasin ang Sektor: Matatanda, ngayong Martes, ika-7 ng Mayo pagkatapos ng Saksi sa GMA!